Buwan ng Wika 2018, Filipino: Wika ng Saliksik

Sa bawat bahagi ng mundo, sa bawat bansa ay mayroon tayong sariling wika. Bawat isa ay may natatanging wika, wikang ginagamit at kinakailangan sa pang-araw-araw nating pamumuhay, sa pakikipagtalastasan, pakikipag-usap at upang maunawaan natin ang isa’t isa. Sa bansang Pilipinas ang Filipino ang pambansang wika natin. Wikang sumisimbol at nagpapakitang tayo ay mga Pilipino.

Ang buwan ng Agusto ay ang buwan ng Wika na kung saan ay ating ipinagdiriwang ang wika natin. Binigyang diin ng Departamento ng Edukasyon ang kahalagahan ng pagdiriwang na ito. Ipinapahayag ng ang tema sa taong ito ay “Filipino: Wika ng Saliksik”.

Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganapng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon nitong palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika. Ang buwan ng wika ay hindi lamang isang pagdiriwang. Ito rin ay binibigyang diin ang mga kakayahan at talento ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng mga aktibidades na inihanda sa pagdirinh na ito. Isa na rito ay ang pasulat ng mga sanaysay na batay sa tema, mga islogan at poster, sabayang pagbigkas at marami pang iba.

Layunin ng pagdiriwang na ito na hikayatin ang iba’t ibang ahensiya upang makibahagi at ipalaganap ang kahalagahan nito sa atin. Layon nitong bigyan ng mas malalim na kahulugan at pagmamahal sa Pambansang Wika sa bawat Pulipino lalo na ang mga estudyante.

Mahalagang maunawaan kung gaano kaimportante ang Wikang Filipino sa atin. Ito ay sariling atin kaya’t ating pagyamanin at mahalin pa ng mas malalim. 

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Throughout The First Quarter

My Dream, My Future!